Gusto kita pero ayaw kita.

My favorite picture with you πŸ’—.

18-02-12 noong sinagot kita. Medyo matagal ka ding nanligaw. Pero bago kita sinagot marami ka pang pinagdaanan sa akin, back then wala pa akong masyadong alam sa pakikipag kaibigan. Alam ko masama ang ugali ko noong mga panahong yun. Ex ka ng dati kong matalik na kaibigan tapos naging ex ka pa ng isa ko pang tinuring na kaibigan. Noong time na yun sobrang desperate niyang magkaroon ng boyfriend kaya sinabi ko sayo na “Kung talagang mahal mo ako ligawan mo siya.”. Ginawa mo nga naging kayo ng limang buwan na hindi niya alam na noong mga panahong yun nag-uusap din tayo at patuloy mo parin akong nililigawan.

Hanggang sa naghiwalay kayo, nakalimutan ko na din ang dahilan. Siguro kung susumain nasa isang taon ka ding nanligaw sa akin. Gustong gusto ko tuwing sinasabi mong..

Pangarap lang kita dati ngayon akin ka na.

Alam mo ang sarap niyon sa pakiramdam. Sinagot kita kahit hindi pa kita mahal noon. Ewan ko siguro dahil sa tagal mo nang nanliligaw o baka trip ko lang din. Pero noong mga naunang 5 buwan hindi ako naging seryoso sayo. Sa gabi lang kita kinakausap kapag wala na akong mga kausap sinasabi ko nalang sayo na busy ako. Pero ang totoo busy ako sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ko, uso pa kasi ang clan noon.

Narealized ko nalang na mahal na kita noong kinausap ako ng Ate ko. Nalaman niya kasi ang kalokohan ko at ang sabi niya hiwalayan nalang kita kaysa naman pinagloloko o pinapaasa kita sa wala. Kaya nakipaghiwalay ako sayo. Pero noong gabing yun hindi ako makatulog iniisip kasi kita, pero pareho pala tayo. Nag-usap tayo at marami akong inisip noon, isa na ung 21 ka na at ayon sa nabasa ko ang mga taong 23 and above seryoso na sa relasyon, sabi ko 2 taon nalang din naman bakit hindi ko naang itry.

Mula sa araw na yun sineryoso kita, nahulog ako ng husto sayo. Mula noon wala nang nakakaalam sa pamilya ko na may boyfriend na ako,tinago natin kahit ayaw mo sanang isekreto.

Isang taon na tayo noong napagdesisyunan kong sabihin na din sa pamilya ko. Dahil malayo ako sakanila pinadaanan ko nalang sila ng GM(group message) na binabati kita yun ay bilang regalo ko sayo sa una nating anibersaryo.

Sobrang mahal kita ng mga panahong yun, mabilis akong masaktan pagdating sayo pero lagi mo akong sinusuyo. Ako yung dati ding habol ng habol sayo kasi hindi ka ganoon kasweet sa akin noon.

Ahhh. Hindi ko pala nasabi na hindi pa tayo nagkikita kahit minsan. Pero noong nagkita na tayo almost 2 years na tayo noon nabaliktad ang mundo, ikaw naman ang naging possessive hanggang ngayon kahit – WALA NG TAYO.

Mahigit pitong taon ding naging tayo. Masaya akong naging parte ka ng buhay ko. Minsan napapaisip ako kung tama ba ang pakikipaghiwalay ko sayo. Kasi sobrang bait mo pati ng pamilya mo. Ikaw yung lalakeng SANA ALL ng ibang kababaihan. Maalaga, mapagmahal, sweet – sobrang sweet kaya naiinis din ako sayo minsan, ni hindi ko na nga kayang manood ng love stories eh kasi sayo palang memorize ko na ang bawat galawan ng mga bidang lalake, sayo palang sawa na ako sa kilig nakalimutan ko na nga ata noon ang pakiramdam nang kinikilig eh kasi nakasanayan ko na. Mahilig ka din sa maliliit na surprises. Wala na nga atang ibang hahanapin ang mga babae sayo.

Mag pipitong buwan na tayong hiwalay pero ni minsan hindi ka nagbago. Good morning, good night, kumain ka na ba, kamusta ang araw mo, at ang minuminuto mong I love you, patuloy ko paring natatanggap maliban lang noong mga panahong nakablock ka sa akin.

May mga taong akala tayo na ulit kasi nag uusap tayong parang dati parin. Hindi alam ng mga taong halos minuminuto ka paring nag mamakaawang balikan kita. Sinubukan ko naman pero hindi ko kaya. Sabi mo at sabi ng karamihan mabait akong tao pero para sa sarili ko hindi yun totoo kasi paano ko nagagawa ang lahat ng ito sayo.

Sa totoo lang gusto kong bumalik sa panahong mahal na mahal pa kita kasi yun ang deserve mo pero hindi ko alam kung paano.

Sana makauwi na ako kasi gusto kitang makita at makausap ng personal. Gusto ko kasi talagang bumalik sayo kaso hindi ko alam kung paano. Hindi ko rin kasi alam kung ano ‘tong pakiramdam na ganito. Gusto kita na ayaw kita pero gusto kita pero ayaw naman kita. Pag nagkita tayo siguro malilinawan ako. Sabi ko sayo malaya kang magmahal at tumingin sa iba,may konting sakit pero mas madali yun para sa akin para kalimutan ka.

Kung hindi man talaga tayo ang nakatadhana sana may dumating sa buhay mo na kayang ibalik ng buo ang pagmamahal mo. Masaya akong masaya ka.

“Piliin mo yung mahal ka”

Akala ko madali lang mamili sa pagitan ng mahal mo at mahal ka. Kahit pa yung taong mahal ka ay dati ng naging parte ng buhay mo.

Hindi pala ganoon kadaling isantabi ang sinisigaw ng puso at pillin yung taong nagpaparamdam sayo ng buong pagmamahal. Siguro nga tanga ako, mas tanga pa sa taong mahal na mahal ako kahit hindi ko na siya gusto. Pero sa kabilang banda, tama parin ako. Tama ako kasi kahit papaano tapat ako sa taong mahal ako at tapat ako sa sarili ko.

Dahil maling mali ang pumasok sa isang relasyong iisang tao lang ang may gusto. Iisang tao lang ang nagmamahal.

Dapat pareho, pareho ninyong gustong pumasok sa isang relasyon at dapat pareho kayong nagmamahal. Dahil kung hindi, sa bandang huli baka maging ugat pa nang panloloko at masalimuot relasyon.

Hindi ibig sabihin na kapag mahal ka ay pilitin mo na ding mahalin siya. Siguro nga totoo, na napag aaralan ang pagmamahal pero hindi ba sa isang trabaho kailangan mo munang pag-aralan yun bago ka mag-umpisa, yun iba nga inaabot pa ng halos Sampung taon sa pag-aaral ng kursong yun. Dapat sigurong ganoon din ang pag-ibig. Kung sakaling nakikita mo naman ang kabutihan at sinseredad niya sayo at tingin mo makakabuti siya para sayo, pag-aralan mo munang mahalin siya, kilalanin mo siya bago ka mag “oo” sakanya. Dahil kapag tinanggap mo ang pag-ibig niya ng hindi ka sigurado at pagkalaa’y babawiin mo mas masasaktan mo lang yung tao.

Hindi ko sinasabing paasahin mo yung tao, linawin mo ang intensyon mo at plano mo upang sa bandang huli mas matatanggap niya kung ano man ang desisyon mo.

Parehong mali ang pilitin ang sarili at ipilit ang sarili. Kaya mag-antay tayo sa panahong puwede na at mahal na (ulit) natin ang isa’t-isa.

Sa pag-ibig dapat pareho kayong masaya.

Back To The Right Track

Book of Proverbs

Proverb
Pro(forth) verb(is an action word)
Proverbuim(latin word)
Pro(forth) verbum (word) “words put forward”
Observation:
Prov 1:1: “The proverbs of Solomon the son of David, king of Israel;”
-pinakilala/nagpakilala ang sumulat.
Prov 1:2-6: “To know wisdom and instruction; to perceive the words of understanding; To receive the instruction of wisdom, justice, and judgment, and equity; To give subtlety to the simple, to the young man knowledge and discretion. A wise man will hear, and will increase learning; and a man of understanding shall attain unto wise counsels: To understand a proverb, and the interpretation; the words of the wise, and their dark sayings.”
-pinakilala/pinaalam kung para saan o ano ang Proverbs.
-In Prov 1:1 dalawang tao ang binanggit.
*Solomon – who asked for wisdom and Knowledge from God to lead His people. (2Chr 1:10: “Give me the wisdom and knowledge to lead them properly, for who could possibly govern this great people of yours?””)
*David – who didn’t care about others opinion magawa lang at mapapurihan lang niya ang Panginoon.
(2Sam 6: 21-22 David retorted to Michal, β€œI was dancing before the LORD, who chose me above your father and all his family! He appointed me as the leader of Israel, the people of the LORD, so I celebrate before the LORD. Yes, and I am willing to look even more foolish than this, even to be humiliated in my own eyes! But those servant girls you mentioned will indeed think I am distinguished!””)
-We see book of proverbs were not just simple proverbs it needs action. You and me should put it in action like David, who should not care about others might think, who should not care the wordly judgements and only care about how we can please God and put his words in action . God already gave us the truth, the wisdom and knowledge. Like Solomon, we should use it to lead others especially ang ating mga sarili kasi ang pinapangaralan talaga dito ay ako at ikaw na nagbabasa. We have to fix ourselves first before fixing others for “if the blind lead the blind both shall fall into the ditch” (Mat. 15:14)
Internalization:
I never found proverbs as heavy as before until today, na nalaman ko ung latin meaning niya “words put forward”. It needs to be press. Before ako nagstart pinakinggan ko muna ung buong chap. 1 siya sa youtube tho nabasa ko na siya dati kasi I’m trying to chanel what God wants me to study.. Kung anong verse sa Chap. 1. Then nakaramdam ako ng kirot habang pinapakinggan ko siya kasi it’s all about the “world vs. You(me)” “tawag ng laman vs. Tawag ng Diyos”. Ayaw kong ideny na these days napapawordly na ako kaya medyo umiiwas ako ngayon sa ilang mga non-christian friends ko. I enjoyed being w/ them and I appreciate them so much lalo nung fresh pa lahat ng mga sugat koπŸ˜‚. Pero slowly pinaparialized sa akin ng Lord na nadradrag na pala ako sa makamundong mga hobbies, words etc. That I need to stop, I need to get out, I need to learn how to say No at wag puro yes sa mga alok nila, na kailangan kong dumistansya, kailangan kong umiwas not from them but from things na naaadopt ko sakanila. And napapansin nila un na umiiwas na ko, di na ko sumasali at sumasama palagi sa nga usapan. I do not know how to tell them, how to explain but one thing I am sure about is..

I’d rather lose friends than to lose my track to God. ❀️

Ako Ay Isang Batang OFW

Oo, pinangarap kong magpunta dito sa abroad, bata pa kasi ako noon at ang hirap ng buhay kaya sabi ko one day mag aabroad ako at maghahanap ako ng mapapangasawang 4M (MATANDANG MAYAMAN MADALING MAMATAY). Yan ang pinakagoal ko noon para mabilis ang pag-ahon ng aming pamumuhay.

Pero habang lumalaki ako nalalaman kong mas importante paring LOVE ang foundation ng isang relasyon at hindi ginto at pilak. Kaya hindi ko na pinangarap ulit ang mag-abroad. Pero mahirap talaga ang buhay at sa abroad ko nakikita ang pag-unlad namin kaya naman noong nagkaroon ng urgent tinulungan ako ng Panganay namin na dati ng nandito sa Qatar noong mga panahong yun.

Sanay naman akong mag-isa. Sanay akong malayo sa pamilya. Nasanay ako kasi yun ang kailangang gawin ng mama at papa ko, ang hayaan kaming tumira sa iba upang makapagtapos ng pag-aaral kahit man lang sa Highschool.

Mag tatatlong taon na ako dito sa abroad. Naaalala ko pa dati takot na takot akong magbyahe kahit papuntang kabilang Barangay lang pero noong kailangan ko nang ilakad ang mga papeles ko lagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na..

Philippians 4:13

For I can do everything through Christ, who gives me strength.

Araw ng flight koπŸ˜‚ako lang mag-isa.
Kaka-22 yrs. Old ko palang noon.

Excited. Happy. Feeling ko kasi yayaman na ako, makakapag-ipon na ako then after 2 yrs uuwi na ko para mag-aral. Pero hindi pala ganoon kadali ang lahat. Lalo na ang mag-ipon πŸ˜…πŸ˜…. Kala ko kasi malaki na ang sahod ko, yun pala malaki lang pag converted to Peso pero pag ginamit mo ang pera mismo sa bansang pinuntahan mo mababa rin lang pala. Kaya sa mga nagsasabi po na madaming pera ang mga nasa abroad nagkakamali po kayo.

First day. First week. First month and months. Sobrang hirap. Sobrang hirap makibagay, makisama lalo na sa ibang lahi at ganun din naman sa kapwa mo Pinoy.

Sabi ko pa noon “Kung alam ni Papa na ganito kahirap dito sa abroad tapos prinipressure parin akong mag abroad siguro nagtanim na ako ng galit sakanya”. Dumating kasi ako sa point na hindi na ako halos makahawak ng customer dahil nanginginig na ako sa takot. Nail Technician po pala ako Manicurista pinasosyal lang nila πŸ˜‚πŸ˜‚.

At dahil bata pa ako, lagi akong sinasabihan na pauuwiin ako kasi bata pa daw ako, wala pang masyadong experience at hindi pa magaling. Sanay akong mag-isa pero dito ko napagtanto na mahirap palang mag-isa. Kahit may pamilya ka o kamag-anak ka dito hindi ka naman basta basta matutulungan o mapupuntahan kapag may problema ka kasi may trabaho din sila at madalas may curfew pa sa company nila idagdag mo pa ang mahal ng pamasahe mas mahal pa sa pagkain.

Malapit na akong mag tatlong taon at medyo sanay na din ako sa kalakarang abroad. Kaya sa mga katulad kong OFW lalo na ang mga batang OFW, Guys kapit lang makakaahon din tayo, makakauwi din tayo NA may IPON. πŸ˜‚ πŸ˜‚ Guys ipon-ipon din pag may time. Laban lang! Kaya pa!

Exodus 14:14

“Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo.”

Fil. 4:13

“Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.”

Joshua 1:9

“Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.””

Kailangan po natin yan sa laban natin dito sa mundo😊 lalo na dito sa ibang bansa kapag may nang-aaway sa atin at kapag pasuko na tayo. Always remember God is with us.

God bless us po.

Why I started Blogging?

Idk. Recently kasi binalikan ko yung mga dating pangarap ko. And ang pinakagusto ko sa lahat ng pinangarap ko IKAW.. charout! Gusto ko kasi dati maging Disc Jockey pero sa totoo lang introvert talaga akoπŸ˜…. So feeling ko pag DJ dapat magaling magsalita, masayahin, outgoing, madaldal kaso medyo mahiyain ako. At gusto ko rin yung nagrereport report, nagse-search and also writing, kaso, walang pera 😊 kaya sabi ko wag nalang din, magtratrabaho nalang ako para makatulong agad sa pamilya.

Matagal ko na din gustong mag umpisa sa blogging o di kaya ay vlogging kaso di ko alam kung paano. Then nadiscover ko tong WordPress ,nagsearch kasi ako ng site na puwede kong pasahan ng kung ano-ano lang like poems, stories, opinions etc. Tingin ko sa pamamagitan nito para ko na ding natupad ang pangarap kong mag-MASSCOM.

If life doesn’t want to give you way to your dreams, be the construction worker of your own life. Make one, build one.

Walang ibang tutupad ng pangarap mo kundi ikaw lang.

Pero sympre. Don’t forget to include God sa kahit na anong plano at journey mo sa buhay. Mas masarap paring maglakbay kasama ang Panginoon.

Prov 3:5-6: “Trust in the LORD with all your heart; do not depend on your own understanding. Seek his will in all you do, and he will show you which path to take.”

Matutupad din ang mga pangarap natin. Hindi man kasing perfect ng iniimagine natin at least naiparanas sa atin ng Lord.

God bless guys!

Create your website at WordPress.com
Get started